"Panimula.
Ang Niyog ay nabubuhay sa kanyang pangalan. At kahit saan mo ilagay, sa medisina man o sa pagnenegosyo, mayroon pa ring gamit. Sa ating bansa, umabot na sa kalahati ng mga puno ng niyog ang nauuwi lamang sa pagiging basura, Hindi malaman ng mga tao kung ano ang mga prosesong gagawin upang lumabas ang tunay na halaga nito."
Tunay na napakahusay! - iyan ay isa lamang sa mga paraang maaari nating gamitin upang mailarawan ang niyog na nagbibigay sa atin ng ating mga pangangailangan. Walang nakakaalam kung saan ito nagmula ngunit gayunpaman ay ito ay tanyag pa rin sa iba t-ibang lupalop ng mundo. Ang puno na may prutas na animo y higanteng bola ng rugby ay makikita rito sa atin. Masasabing ang niyog na nanggaling sa ating bansa ay kinikilalang pinakamahusay. Ito ay tinatayang taas na 24 hanggang 34 na talampakan na mayroong dahon na halos aabot ng 14 hanggang 17 talampakan. Isang taon ang hinihintay para mapakinabangan ang niyog. Sinasabing si Marco Polo ang unang tao na naglarawan dito.
Kilala rin ang puno nito sa pagkakaroon ng walang katapusang gamit. Lahat ng bahagi nito ay maraming benepisyo simula sa dahon pababa sa ugat nito. Bukod sa maaaring pagkuhanan ng pagkain ang prutas nito, ang ibang bahagi ay nakakain din. Ang katas ay maaaring inumin habang ang iba ay maaaring gamitin sa pagluluto. At hindi ba kayo natataka kung saan nanggaling ang mga magagandang kahoy natin? Ito ay mula pa rin sa puno ng niyog. Ang mga bao din nito ay magagamit bilang butones sa damit at ginagamit ng mga hotel na pangdekorasyon, tulad ng mga lalagyan ng kandila at iba pa.
Ang mga malalaking puno ng niyog ay nagkalat sa mga kabundukan at sa mga paligid ng ating bayan kaya hindi katakataka na ito ang pangunahing pinagkukunan natin ng kabuhayan. Ang puno ng niyog ay nagsisilbing kakambal ng mga taga San Pablo sa kanilang mga pang araw araw na buhay Mula puno hanggang bunga ay siguradong makakahanap ang tao ng gamit mula dito. Hindi lang ito ginagawang bunot at walis tingting kundi ito na rin ang isa sa mga dahilan sa pag-unlad ng kabuhayan ng karamihan. Ang mga taong nakatira sa bayan ay nagiging maliliit na negosyante at dahil dito ay yumayaman ang ilan at nakikilala hindi lamang sa bansa kundi pati sa labas nito."^ ^;...
January 18,2013
Friday, 10:28 AM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com
Salamin Ng Buhay
Matagal ng panahon ang nakalipas, sa isang malayong Barangay ng Kabog-Kabog, dito sa lungsod ng Balanga, ay may isang kakaibang bahay na yari sa 1,000 mga salamin. Sa loob nito ay napapalibutan ang lahat ng mga dingding, kisame, at mga bintana ng mga salamin.
Sa kabilang Barangay ng Kataning ay may isang maliit, masayahin, at palakaibigang aso. Nabatid niya ang pambihirang bahay ng mga salamin at nanabik siya na pasyalan din ito. Nagkukumahog itong pumunta, nagsuot sa mga lungtiang talahiban, tinawid ang malilinaw na mga batis, sinundan ang mabulaklak na mga halamanan sa gilid ng mga dakdak, at nang makarating sa bahay ay matuling nagtungo sa harap ng pintuan. Sumilip ito sa siwang pinto na nakataas ang mga tainga at pandalas ang wasiwas ng kanyang buntot sa matinding kasabikan. At nang itulak niya ang pinto ay napamulagat ito sa paghanga sa natunghayan, pawang mga magagandang salamin ang buong kabahayan at siya’y napangiti sa matinding kagalakan. Nang mapansin niya ang maraming aso na nakatingin sa kanya at ang lahat ay nakangiti din sa kagalakan, at handang makipagkaibigan. Lalong nag-ibayo ang kanyang katuwaan at dumalas ang wasiwas ng kanyang buntot sa nasaksihan. Nang siya’y pauwi na, naibulong niya sa sarili na, “Pambihira ang ganda ng bahay na iyon at palakaibigan pa ang mga asong nakatira doon. Babalik ako at madalas na papasyalan ito, nakakawiling tumira dito.”
Sa pinakadulo ng barangay na ito, ay may isa pang maliit na patpating aso, malungkutin, laging balisa, at kinaiinisan nito ang lahat. Laging nakadaing at mareklamo sa kanyang buhay. Nabalitaan din niya ang tungkol sa bahay ng 1,000 mga salamin. Bagama’t naiinis siya, nanaig ang pagiging usisero niya sa mga ganitong balita. Nais din niyang puntahan ito at pabulaanan ang mga magagandang balita tungkol dito. Ito ang nagpapaligaya sa kanya, ang manira at magkaroon ng maraming katulad niya na naiinis din sa buhay.
Mabagal at halos hinihila nito ang mga paa sa pagpunta, laging humihinto at nagrereklamo sa init ng araw, sa mga matataas na talahib, sa mga mabatong batis, at mga liku-likong matitinik na dakdak. Lahat ay pinipintasan niya hanggang sa pinakamaliit na mga kapangitan. Walang kasiglahan nang makarating ito at sumilip sa siwang ng pinto. Nang itulak niya at matunghayan ang buong kabahayan ay napangitan siya, napaismid, at nainis ito. Nang makita niya ang maraming maliliit na aso na nakaismid at naiinis din sa kanya. Nanlisik ang kanyang mga mata at nagalit, kasabay ng malakas na pag-ungol. Nanlisik at nagalit din ang mga aso at magkakasabay din sa pag-ungol. Nilakasan niya ang kanyang ungol, naglakasan din ng ungol ang lahat ng mga aso, na nakita niya sa mga salamin.
Matindi siyang kinabahan, nanginig ang kanyang mga tuhod at lalong nagsumiksik ang kanyang buntot sa kanyang mga singit. Sinigilahan siya ng matinding pangamba, tumalikod, at simbilis ng kidlat na kumaripas ng takbong pauwi. Habang tumatakbo ay nangangaykay sa matinding takot at sumusumpang, “Hinding-hindi na ako babalik pa! Nakakatakot ang bahay, napakalagim! Kailanman hindi na ako babalik pa rito, at baka mapahamak pa ako.”
-------
Lahat ng mga mukhang ating natutunghayan sa daigdig ay repleksiyon lamang ng salamin. Ang salaming ito ay tayo ang lumilikha. Hindi natin nakikita ang daigdig sa kung ano ang tunay nitong katangian at mga kaganapan, bagkus kung anong katangian ang mayroon sa ating kaisipan, katawan, at kaluluwa. Tayo mismo mula sa ating nililikhang pangmalas ang nagpapasiya kung ano ang nais nating ipakahulugan sa ating nakikita.
Anong klaseng repleksiyon ang iyong nakikita sa mga mukha ng mga taong iyong nakakaharap? At ano naman ang klase ng repleksiyong kanilang nakikita mula sa iyo?
Nakakahalina, o nakaiinis?
Nakakabagot, o nakakasisiya?
May pag-asa ba, o kawalan ng pag-asa?
Mapagmahal, o mapangwasak?
Pumupuri, o pumipintas?
Bumubuhay, o pumapatay?
Nasa iyo ang tanging kapasiyahan sa nais mong tatahaking buhay.
Kaligayahan o Kapighatian?
Sa iyong pakikipag-relasyon, ito ang magiging simula, ginagawa, at mananatili sa kanilang diwa sa maraming panahon ng inyong pagsasama, kung sakaliman na ito’y magpatuloy pa.
Nawa’y lagi kang magsalamin at tunghayan nang may pagsuyo at pag-ibig ang iyong sarili. Sapagkat ang damdaming ito ang iyong nililikha sa tuwing may tinitignan, kinakausap, at pinag-uukulan ng ibayong pansin. Ngumiti ka, at ikaw ay ngingitian din nito. Sumimangot ka, at sisimangutan ka din nito. Ito ang batas ng kalikasan, “Kung ano ang iyong itinanim, ay siya mo ring aanihin.”^ ^;...
January 18, 2013
Friday, 11:33 AM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com
January 18, 2013
Friday, 11:33 AM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com
Salamin Ng Buhay Lyrics
by Basil Valdez
Sabay sa ikot ng mundo
Patungo sa walang hanggan
Ay sari saring pagtakbo
Nang buhay nang sinupaman
Ang kapalaran mo'y sa yo
Ang sa kanya'y kanya naman
Ang salamin ng buhay mo
Ibang liwanag ang laman
Ang buhay mo'y yugto yugto
May panahon, sakdal saya
Minsan nama'y namumugto
Sa pagluha ang iyong mata
Kahit paglakad mo'y wasto
May papatid sa yong paa
Minsan kahit nakahinto
Biyaya ay sumasamba
Sa yong anyo sa salamin
Mayroon silang tatandaan
Magisip ka at alamin
Kung naligaw ka ng daan
Bago tuluyang mawala
Aninag mo sa salamin
Matitiyak mo ba kaya
Ang iyong mukha ay napansin
Dahil sa ukit na gawa na taimtim at totoo
Minsan may di ka sumama
Sa salamin ng buhay mo
Bago tuluyang mawala
Aninag mo sa salamin
Matitiyak mo ba kaya
Ang iyong mukha ay napansin
Dahil sa buting nagawa na taimtim at totoo
Minsan ma'y di ka sumama
Sa salamin ng buhay mo
Wala kang taong nabangga
Sa salamin ng buhay mo
Patungo sa walang hanggan
Ay sari saring pagtakbo
Nang buhay nang sinupaman
Ang kapalaran mo'y sa yo
Ang sa kanya'y kanya naman
Ang salamin ng buhay mo
Ibang liwanag ang laman
Ang buhay mo'y yugto yugto
May panahon, sakdal saya
Minsan nama'y namumugto
Sa pagluha ang iyong mata
Kahit paglakad mo'y wasto
May papatid sa yong paa
Minsan kahit nakahinto
Biyaya ay sumasamba
Sa yong anyo sa salamin
Mayroon silang tatandaan
Magisip ka at alamin
Kung naligaw ka ng daan
Bago tuluyang mawala
Aninag mo sa salamin
Matitiyak mo ba kaya
Ang iyong mukha ay napansin
Dahil sa ukit na gawa na taimtim at totoo
Minsan may di ka sumama
Sa salamin ng buhay mo
Bago tuluyang mawala
Aninag mo sa salamin
Matitiyak mo ba kaya
Ang iyong mukha ay napansin
Dahil sa buting nagawa na taimtim at totoo
Minsan ma'y di ka sumama
Sa salamin ng buhay mo
Wala kang taong nabangga
Sa salamin ng buhay mo
Watch "Salamin Ng Buhay" Video
January 18,2013
Friday, 11:34 AM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com
January 18,2013
Friday, 11:34 AM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com
"Ang aking Daigdig.
titik ni: mariaclariza
Ako ay hindi pa nagkamalay.
Kung hindi nagisnan ang aking kinamulatan,
Sa aking mga magulang at pamilya.
Ito ay tinahak ng aking napagaralan,
Nagkamalay sa mga natunghayan.
Kinamulatan ang mga nalalaman,
Pamilya ang pinagmulan ng bunga.
Napagaralan na landas at narating,
Natunghayan at saksi sa aking narating.
Nalalaman ang siyang aking kayamanan,
Bunga ay siya ring narating tangan.
Narating sa binuong daigdig,
Narating ang daigdig ng walang patid.
Kayamanan ang maging isang anak,
Tangan ng mga magulang sa hirap at ginhawa.
Daigdig ang tanglaw ng liwanag at dilim,
Patid na walang batid kungdi ang magmahal.
Anak ang siyang naging karugtong ng buhay,
Ginhawa sa pagtulog at paggising.
Dilim ng pangamba at biyaya,
Magmahal ng walang kapalit.
Buhay na bigay ng maykapal,
Paggising na kasama ay ligaya.
Biyaya ng pagkilos at paggawa,
Kapalit man sa buhay na walang hanggan.
Maykapal at ang mga panalangin,
Ligaya sa daigdig ang mabuhay.
Paggawa ng tama at takot sa diyos,
Hanggan na walang katapusan.
Panalangin para sa kaligtasan,
Mabuhay sa daigdig ng malaya.
Diyos ng awa para sa lahat."^ ^;...
January 18,2013
Friday, 12:00 PM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com
"Busilak.
Titik ni: mariaclariza
B - Butil lang ng kabutihan
ang siyang nagwawagi.
BUSILAK ay siyang turing,
U - Umulan at umaraw ay
hindi kumukupas kahit
saan dalhin ng agos ng
tubig sa gabi at araw.
BUSILAK ay siyang turing,
S - Sumusunod sa mga
magulang kinagisnan na
walang poot at galit saan
pa man makarating.
BUSILAK ay siyang turing,
I - Inaayawan ang masamang
daan na huwag tahakin
ang maling naisin.
BUSILAK ay siyang turing,
L - Lumalawig sa isipan ang
mga maling napagaralan
sa mabuti at tamang pananaw
na alay sa bayan.
BUSILAK ay siyang turing,
A - Angking kabutihan na
walang kapalit sa sinuman
ang humangad ng puso at
kaluluwa niyang kinamulatan.
BUSILAK ay siyang turing,
K - Kapalaran ng tao ang
matakot sa diyos at gumawa
ng mabuti sa kapwa.
BUSILAK ay siyang turing,."^ ^;...
January 20,2013
Sunday, 07:25 AM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com
Tinta Lyrics
by Gloc-9
pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang
ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng damit sa poso
paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga, laetra na parang
petsa sa kalendaryo, magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyayryo
ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo at hindi imbento na
parang gamot ng albularyo.
nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika-
anim ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leed, kundi
sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada. lumipas ang
mga taong sinubukang lumikha mga salitang magkatugma na ang
tawag ay tulam ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na, sabihin
mo saakin kung paano mo ginamit ang tinta.
pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo, papasok ka sa eskwela,
manghihingi ka ng baon, kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
ng isang makatang laging titingalain ng lahat
ang mga awit ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin.
ngunit ngayo'y nagisisimula ka pa lang
di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
at walang makakapigil, kahit minsan ay parang
wala ka ngang maayos na lupang pwede mong lakaran
ngunit pagdating ng aray at naron ka na sabihin mo
sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.
pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
by conan_35rr
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang
ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng damit sa poso
paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga, laetra na parang
petsa sa kalendaryo, magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyayryo
ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo at hindi imbento na
parang gamot ng albularyo.
nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika-
anim ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leed, kundi
sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada. lumipas ang
mga taong sinubukang lumikha mga salitang magkatugma na ang
tawag ay tulam ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na, sabihin
mo saakin kung paano mo ginamit ang tinta.
pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo, papasok ka sa eskwela,
manghihingi ka ng baon, kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
ng isang makatang laging titingalain ng lahat
ang mga awit ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin.
ngunit ngayo'y nagisisimula ka pa lang
di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
at walang makakapigil, kahit minsan ay parang
wala ka ngang maayos na lupang pwede mong lakaran
ngunit pagdating ng aray at naron ka na sabihin mo
sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.
pwedeng asul
pwedeng itim
pwedeng pula
pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
by conan_35rr
"Tinta.
Titik ni: mariaclariza
I
Ako ay hindi marunong MAPAGOD
saan man dalahin ng aking
panulat. Sa tinta kong itim
ay walang hinto ang aking
mga sining. Simula ng ako
ay matutong sumulat at
paghirapan ang unang letra
ng aking pangalan at ito
ang tinta na titik Mm - [13].
II
Ako ay hindi marunong MAGALIT
sa kahit ano mang uri ng tintang
aking nabasa at binasa na gawa
at akda ng iba. Na sa aking
pagkalinga ito ay karunungang
aking kayamanan na tanaw
sa dilim magpakailan pa man.
Tanging sa isipa't diwa na ang
diyos ay siya ring tanglaw ng aking
akda.
III
Ako ay hindi marunong MANAHIMIK
sa masamang landas o mabuting
landas ng tintang walang
katapusang akda ng kahit sino
mang nilalang. Ito ay lihim
na walang patid tanging akin
lamang na akda ang siyang
nakakaalam at siya lamang
nakakabasa at yaring nakapagsusulat
ang siya lamang makababatid
ng tintang walang hanggan."^ ^;...
January 20,2013
Sunday, 07:46 AM
At: 38 Unit, PHILIPPINES
http://www.ma.clariza.com